ABSTRACT OF THE THESIS

The Effects of Attitudes on Sex Roles, Marriage, and Homosexuality on Premarital Sex among Never Married Filipino Youth


by Maria Rosalyn Victoria N. Fonacier (2016)


ABSTRACT

This study has two major purposes: (1) to explore conservatism and develop a conservatism indicator and (2) to investigate the effects of conservatism on the premarital sex (PMS) behavior of the Filipino never married youth. The study used data from the Young Adult Fertility and Sexuality Study 4, which was carried out in 2013. It filtered its sample into the never married young adults who have never had PMS and those who had PMS in the 12 months prior to the survey. This selection resulted in a sample of 13,127 cases.

Conservatism was measured using 14 statement items capturing five socio-cultural dimensions: 1) values on public display of affection, 2) attitudes on sex roles, 3) attitudes on marriage and cohabitation, 4) attitudes on divorce and remarriage, and 5) attitudes on homosexuality. A general conservatism indicator was created to measure the overall conservatism of the youth. Associations and effects of conservatism alongside other socio-demographic variables (age, socioeconomic status, urban exposure, religiosity, and educational attainment) on PMS behavior were tested using t-tests and regression analyses. All analyses were done by gender.

The study results indicate that the Filipino unmarried youth are generally conservative. The lower the conservatism is, the higher the probability of engaging in PMS. Moreover, a gender difference exists in explaining conservatism and PMS behavior.


ABSTRAK

Dalawa ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito: (1) upang siyasatin ang konserbatismo at
makabuo ng isang indikasyon ng pagkakonserbatismo, at (2) upang suriin ang epekto ng pagkakonserbatibo sa premarital sex (PMS) ng mga kabataang Pilipino na hindi kasal. Ginamit sa papel ang datos galing sa Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) Study 4 na isinagawa noong 2013. Sinala sa pag-aaral na ito ang sample sa mga hindi pa kasal na kabataan na hindi pa nakaranas ng PMS at mga kabataan lamang na nakipagtalik sa huling 12 na buwan bago ang sarbey. Nagresulta ang pagsasalang ito sa sample mga kaso ng 13,127 katao.

Sinukat ang pagkakonserbatibo sa paggamit ng 14 na mga aytem na sumasaklaw sa limang panlipunan-pangkulturang dimensiyon: 1) paghahalaga sa pagpapakita ng damdamin sa publiko o public display of affection, 2) mga saloobin ukol sa gampaning seksuwal o sex roles, 3) mga saloobin ukol sa kasal at pakikipisan o cohabitation, 4) saloobin ukol sa diborsyo at muling pag-aasawa, at 5) saloobin ukol sa homoseksuwalidad o homosexuality. Nilikha ang isang pangkalahatang indikasyon ng pagkakonserbatibo upang sukatin ang kabuuang pagkakonserbatibo ng mga kabataan. Sinuri ang mga kaugnayan at epekto ng pagkakonserbatibo sa PMS sa paggamit ng t-test at regression analysis, kasama ng ibang mga panlipunan-pangkulturang variable: edad, panlipunang-pang-ekonomikong istado, pagkakalantad sa lungsod o kalunsuran o urban exposure, pagiging relihiyoso, at natamong edukasyon . Ginawa ang lahat ng pagsusuri sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kasariaan.

Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay patunayan na konserbatido ang mga kabataang Pilipino. Ipinapakita ng epektong ito na kapag mas mababa ang konserbatismo, mas mataas ang probabilidad ng PMS. Bukod pa rito, may mga pagkakaibang umiiral sa bawat kasarian sa pagpapaliwanag ng pagkakonserbatibo at sa pagtukoy ng PMS.