ABSTRACT OF THE PRE-PRINT PAPER
Assessment of Access to Family Planning Services in the Philippines using Spatial Analysis with Geographic Information Systems
by Marianne Amparo P. Guzman (2017)
ABSTRACT
This study assessed regional disparities in access to family planning (FP) services using spatial analysis through Geographic Information Systems (GIS). Specifically, the study identified regions with the highest population of vulnerable groups with inequity to access to FP and determined the association between the women’s use of modern FP methods and the proximity of their households to health facilities.
Using the regionally-aggregated data from the 2008 National Demographic and Health Survey for currently-married women’s (n=8,421) wealth status, type of residence, employment status, education level, use of modern contraceptive methods, and unmet need for family planning (FP), regions with vulnerable groups in terms of access to FP were identified. The 2008 NDHS georeferenced locations of clusters of household respondents (n=794 household clusters) and the Department of Health (DOH) georeferenced locations of 3,241 health facilities were linked through buffering to determine the households with a presence of health facilities in 2.5, 5, and 10 km. Buffering helped address the limitations on the analysis brought by geomasking or spatial displacement of NDHS GIS data.
GIS spatial analysis and visualization were able to identify and show regional disparity in access to FP across regions particularly in the inequity level in access to FP across regions and the association of the women’s use of modern FP with the distance between health facilities and their households. In both urban and rural areas, use of modern FP and 2.5 km distance between household and health facility did not show significant association, while a total of 6 regions, namely Ilocos Norte, Davao, Central Luzon, Bicol, Central Visayas, and Zamboanga Peninsula, showed significant association for 5 and 10 km distance in urban and rural areas.
ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay sumiyasat sa pagkakaiba-iba ng mga rehiyon sa lebel ng access sa mga serbisyong ukol sa pagpaplano ng pamilya, gamit ang spatial analysis sa pamamagitan ng Geographic Information Systems (GIS). Natukoy ng pag-aaral ang mga rehiyon na siyang may pinakamataas na populasyon na nabibilang sa vulnerable groups na nakararanas ng hindi pantay na oportunidad sa pag-abot sa mga pangunahing serbisyo ng pagpapalano ng pamilya. Napag-aralan rin ang relasyon sa pagitan ng paggamit ng modernong pamamaraan ng family planning (FP) at ang pagkakalapit ng mga health facilities sa kabahayan ng mga kababaihan.
Gamit ang mga regionally-aggregated na datos mula sa 2008 National Demographic and Health Survey (NDHS) ukol sa mga katangian ng kababaihang may-asawa (N=8,421) tulad ng wealth status, lugar ng tirahan, pagkakaroon ng trabaho, lebel ng edukasyon, paggamit ng modernong pamamaraan ng FP, at unmet need para sa FP, [BM1] natukoy ang mga rehiyon na may populasyon na nakaranas ng hindi pantay na oportunidad sa pag-abot ng mga serbisyo (inequity in access) na may kinalaman sa FP. Ginamit rin ang mga datos ng lokasyon ng mga lupon ng kabahayan mula sa NDHS (N=794 clusters) at lokasyon ng health facilities (N=3,241) na kinalap mula sa Departamento ng Kalusugan. Sa pamamagitan ng buffering, naipapakita ang mga lugar na mayroong health facility sa loob ng 2.5, 5, at 10 kilometro sa mga lugar na urban at rural. Ang buffering ay ginamit para makapagsagawa ng akmang pagsusuri sa kabila ng mga limitasyon sa datos.
Sa pamamagitan ng GIS spatial analysis at visualization, naipakita ang pagkakaiba-iba sa lebel ng access sa FP sa bawat rehiyon lalo na sa lebel ng inequity at sa relasyon sa pagitan ng paggamit ng modernong pamamaraan ng FP at layo ng health facility sa tirahan ng kababaihan. Sa layong 2.5 km sa urban at rural na mga lugar, walang nakitang relasyon sa pagitan ng paggamit ng modernong pamamaraan ng FP at pagkakalapit ng health facility sa kabahayan ng mga kababaihan. Mayroon naming nakitang ganoong relasyon sa parehong urban at rural na mga lugar sa anim na rehiyon kung pag-uusapan ay ang 5 at 10 km na distansya. Ang mga rehiyon na ito ay Ilocos, Davao, Bicol, Central Luzon, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula.