ABSTRACT OF THE PRE-PRINT PAPER
Gender Differences in Factors Affecting Approval of Marriage in Later Years among Older Filipinos
by Elaeza P. Abellar (2018)
ABSTRACT
Using data from the 2007 Philippine Study on Aging by the University of the Philippines Population Institute in collaboration with the Nihon University Population Research Institute, this study (a) identifies the characteristics of older Filipinos who approve of (re)marriage in old age, (b) determines the gender differences in the characteristics of older Filipinos who approve of union formation in old age, and (c) examines the factors that may affect approval of marriage in later years among older Filipinos by gender
Out of 3,105 respondents aged 60 and above, results from 2,861 responses reveal that there is a low level of acceptance of marriage in later years among older Filipinos. But there are factors that could affect the likelihood that older Filipinos will be more likely be open to old-age marriage and these factors differ by gender. Marital status, employment, and membership in any religious organization significantly affect older women’s approval of (re)marriage in old age, while education, self-assessed current health, and socialization with friends/neighbors significantly affect women’s approval of (re)marriage in later years. Older men who are separated or divorced, never married, or widowed, who are working, and who are not members of any religious organization are more likely to approve of marriage in old age. Older women who have higher education, who have poorer self-assessed current health, and who have less socialization with friends/neighbors are more likely to approve of marriage in later years.
ABSTRAK
Gamit ang datos mula sa 2007 Philippine Study on Aging ng University of the Philippines Population Institute sa pakikipagtulungan sa Nihon University Population Research Institute, ang pag-aaral na ito ay (a) kinikilala ang mga katangian ng mga matatandang Pilipino na sumasang-ayon sa (muling) pag-aasawa sa matandang edad, (b) tinutukoy ang pagkakaiba sa katangian ng mga matatandang Pilipino na sumasang-ayon sa pagpapakasal sa matandang edad ayon sa kasarian, at (c) sumusuri sa mga kadahilanan na maaaring makaapekto sa pagsang-ayon ng mga matatandang Pilipino sa kasal sa matandang edad ayon sa kasarian.
Mula sa 3,105 na edad 60 na taong gulang pataas na sumagot sa pananaliksik, ang resulta mula sa 2,861 na sagot ay naghahayag ng mababang lebel ng pagtanggap ng mga matatandang Pilipino sa kasal sa matandang edad. Pero mayroong mga kadahilanan na maaaring makaapekto sa posibilidad na ang mga matatandang Pilipino ay mas magiging bukas sa pag-aasawa sa matandang edad at ang mga kadahilanan na ito ay magkakaiba ayon sa kasarian. Marital status, employment, at membership in any religious organization ay may malaking epekto sa pagsang-ayon ng mga matatandang kalalakihan sa pag-aasawa sa matandang edad samantalang ang education, self-assessed current health, at socialization with friends/neighbors ay may malaking epekto sa pagsang-ayon ng mga kababaihan tungo sa pag-aasawa sa matandang edad. Ang mga matatandang lalake na hiwalay sa asawa o diborsiyado, hindi pa kinakasal, o byudo, nagtatrabaho, at hindi miyembro ng kahit anong panrelihiyong samahan ay mas sasang-ayon sa pag-aasawa sa matandang edad. Ang mga matatandang babae na may mataas na pinag-aralan, mababang pagtatasa ng kanilang kasalukuyang kalusugan, at hindi masyadong nakikisalamuha sa kanilang mga kaibigan/kapitbahay ay mas sasang-ayon sa kasal sa matandang edad.