ABSTRACT OF THE THESIS
The Relationship Between Religiosity and Fertility in Developing Countries: A Comparison of Five Major Religions
by Sheena Kristine dela Merced Cases (2019)
ABSTRACT
Using data on five (5) countries (Thailand, India, Pakistan, Ghana, and Philippines) from Wave 6 (2010 – 2014) of the World Values Survey, major religions, namely Buddhism, Hinduism, Islam, Protestantism, and Roman Catholicism, were compared. The religion-fertility linkage was explored by comparing six religiosity variables, particularly attendance in a religious service at least once a week, importance put to religion, importance put to God, self-identifying as a religious person, being an active member of a religious organization, and praying at least once a day, across major religions. A total justifiability score (TJS) indicative of conservatism/liberalism, was also computed for each major religion by summing up three scores measuring whether respondents consider sex before marriage, abortion, and divorce justifiable. Using Bongaart’s Fertility Framework as reference, the relationship of religiosity and the number of children as mediated by the TJS was examined. Ordinary Least Squares (OLS) regression was used to relate religiosity variables with the TJS. Count regression (Poisson, Negative Binomial, or Zero-inflated count regression) was used to relate religiosity variables and total justifiability scores with fertility indicated by the number of children.
Results showed that there is a religion-fertility linkage among Muslims in Pakistan, Hindus in India, and Protestants in Ghana either through one or more religiosity variable or indirectly, the TJS. The total justifiability score significantly predicts the number of children in Muslims in Pakistan and Protestants in Ghana. Using the full model, the religion-fertility link is most apparent for Muslims in Pakistan followed by Hindus in India. Findings can be used to understand how religious practices and beliefs can vary in their effects or lack of effects on fertility measured as the number of children.
ABSTRAK
Gamit ang datos sa limang (5) bansa (Thailand, India, Pakistan, Ghana, at Pilipinas) mula sa Wave 6 (2010 – 2014) ng World Values Survey, inihambing ang mga pangunahing relihiyon, ang Buddhismo, Hinduismo, Islam, Protestantismo, at Katolisismo Romano. Siniyasat ang ugnayang relihiyon-fertilidad sa pamamagitan ng paghahambing ng anim na religioisity variable sa mga pangunahing relihiyon, partikular na ang pagdalo sa gawaing pangrelihiyon nang hindi bababa sa isang beses kada linggo, pagpapahalaga sa relihiyon, pagpapahalaga sa Panginoon, pagkilala sa sarili bilang relihiyosong tao, pagiging aktibong kasapi ng isang organisasyong pangrelihiyon, at pagdarasal nang hindi bababa sa isang beses kada araw. Kinalkula din para sa bawat pangunahing relihiyon ang total justifiability score na nagpapamalas ng pagiging konserbatibo o pagiging liberal, sa pamamagitan ng pagsusuma ng tatlong puntos na sumusukat kung makatuwiran ba para sa mga tumutugon ang pagtatalik bago ang kasal, pagpapalaglag, at diborsiyo. Gamit ang Fertility Framework ni Bongaart bilang sanggunian, sinuri ang ugnayan ng pagiging relihiyoso at ang bilang ng mga anak, sa pamamagitan ng total justifiability score. Ang Ordinary Least Squares (OLS) regression ay ginamit upang iugnay ang mga religiosity variable sa TJS. Ang count regression (Poisson, Negative Binomial, or Zero-inflated count regression) ay ginamit para iugnay ang mga religiosity variable at total justifiability scores sa bilang ng mga anak.
Ipinapakita ng mga resulta na mayroong ugnayang relihiyon-fertilidad sa mga Muslim sa Pakistan, Hindu sa India, at Protestante sa Ghana sa pamamagitan ng isa o higit pang religiosity variable o sa hindi tuwirang paraan, ng TJS. Malinaw ring nahuhulaan ng total justifiability score ang bilang ng mga anak ng mga Muslim sa Pakistan at Protestante sa Ghana. Gamit ang full model, lumalabas na pinakamalakas ang ugnayang relihiyon-fertilidad sa mga Muslim sa Pakistan sinundan ng mga Hindu sa India. Magagamit ang mga natuklasan upang maunawaan kung paano nagkakaiba-iba ang epekto o kawalan ng epekto ng mga gawain at paniniwalang relihiyoso sa fertilidad na sinukat nang bilang ng mga anak.