ABSTRACT OF THE THESIS

Teenage Childbearing and Early School-Leaving: Parental Determinants and Consequences on Well-Being


by Racine Denise C. Maniego (2019)


ABSTRACT

This study sought to look at young Filipinas’ experiences of two risk behaviors, teenage childbearing and early school-leaving, and their links to parental factors and to current well-being as represented by self-esteem and life satisfaction.

Data representing young women aged 20-24 years old (N=4,161) from the 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS4) was analyzed. Among them, 22% (N=947) had experienced teenage childbearing and 25% (N=1,022) were early school-leavers. Multinomial logistic regression was used to predict the likelihood of young women falling into one of four groups: those who experienced teenage childbearing only, those who experienced early school-leaving only, those who experienced both and those who experienced neither, based on parental factors. Significantly more young women from poorer households had experienced either teenage childbearing or early school-leaving, and more women from rural areas were early school-leavers.

The results support the hypotheses that not being raised by both parents, low father’s education and low mother’s education directly increased the likelihood of their daughters experiencing either risk behavior. These effects are more strongly felt for early school-leavers compared to women with teenage childbearing experience. Current well-being is also more affected by the experience of early school-leaving with leavers having lower self-esteem and life satisfaction levels compared to those who experienced teenage childbearing only or had no experience of either teen childbearing or early school leaving.

It can be concluded that the effects of parental presence and education are far-reaching especially when it comes to young women’s chances of finishing basic education. Further research using longitudinal methods is encouraged. Interventions from the government and other allied organizations with regards to keeping girls in school are recommended.


ABSTRAK

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagsuri sa mga Filipinang may edad na 20 hanggang 24 taon at ang mga karanasan nila sa teenage childbearing at early school-leaving. Iniugnay ang dalawang peligrong ito sa mga salik na pang-magulang at sa kasalukuyang kapakanan na sinasaklawan ng self-esteem at life satisfaction.

Ang ginamit na datos na kumatawan sa mga Filipinang 20 hanggang 24 taong gulang ay galing sa 2013 Young Fertility and Sexuality Study (YAFS4) at N=4,161 ang kabuuang bilang nila. Sa kanila, 22% (N=947) ay nakaranas na ng panganganak habang sila ay teenager o teenage childbearing at 25% (N=1,022) ay hindi nagtapos ng high school o nakaranas ng early school-leaving. Ginamit ang multinomial logistic regression para alamin ang pagkamalamang ng pagiging bahagi ng mga babaeng ito sa isa sa apat na grupo base sa mga salik na pang-magulang: ang pagdanas ng teenage childbearing lamang, ang pagdanas ng early school-leaving lamang, ang pagdanas ng pareho, at hindi pagdanas ng alinman sa dalawa. Mas maraming babaeng galing sa mahirap na sambahayan ang nakaranas ng isa o higit pang peligro at mas maraming babaeng nakatira sa mga rural na lugar ang hindi nagtapos ng high school.

Sinusuportahan ng mga resulta ang palagay na ang mga babaeng hindi pinalaki ng parehong tatay at nanay at may tatay at/o nanay na mababa ang pinag-aralan ay mas malamang na nakaranas ng kahit isa sa dalawang peligro.

Ginamit din ang analysis of variance upang ihambing ang kasalukuyang kapakanan ng apat na grupo at nakitang mas mababa ang self-esteem at life satisfaction sa mga babaeng nakaranas ng early school-leaving kung ikukumpara sa mga nakaranas ng teenage childbearing lamang o sa mga hindi nakaranas ng anuman sa dalawa.

May pagtitibay na malalim ang epekto ng pagtapos ng magulang sa pag-aaral at ang presensya ng parehong tatay at nanay sa pagkakataon ng kanilang mga anak na babae na magtapos sa basic education. Inirerekomenda ang patuloy na pananaliksik gamit ang mga metodong longitudinal. Inirerekomenda rin ang direktang pamamagitan ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon para udyokin at tulungang magtapos ang mga batang Filipina.